Oral arguments para sa petisyon sa martial law ikinalendaryo na ng SC

By Rod Lagusad June 06, 2017 - 03:31 PM

Itinakda na ng Supreme Court ang oral arguments kaugnay ng petisyon na inihain para ipawalang bisa ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Nagdesisyon ng mga mahistrado sa ginawang en banc session ngayon araw na kanilang pakikinggan ang mga argumento ng gobyerno at ng mga petitioner na sina Albay Rep. Edcel Lagman at anim pang mambabatas sa darating na June 13, 14 at 15.

Nagbigay din ng direktiba ang SC sa mga respondents na sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary,  martial law administrator Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año na magpasa ng kanilang comment hanggang sa June 12.

Iginiit ng mga mambabatas na walang rebelyon o pananakop kaya hindi kinakailangan ang pagdedeklara ng batas militar at suspensiyon writ of habeas corpus.

Dahil dito nila ay walang sapat na basehan ang naging deklarasyon ng bataw militar sa Minandao.

Sa kanyang panig ay kampante si Solicitor General Jose Calida na sa basurahan pupulutin ang inihaing petisyon ng mga kongresista na pawang mga miyembro ng tinaguriang “magnificent 7” sa Kamara.

TAGS: Kamara, Martial Law, Supreme Court, Kamara, Martial Law, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.