Petisyon para obligahin ang Kongreso na magdaos ng Joint Session kaugnay ng Martial Law, inihain sa SC
Inihain sa Supreme Court ang petisyon na mag-oobliga sa Kongreso na mag-conve at talakayin ang naging deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Tanging si Sen. Leila De Lima ang nag-iisang mambabatas na kasama sa mga petitioner.
Kasama ni De Lima sa mga nagpetisyon sina dating Sen. Rene Saguisag, dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales,dating COMELEC Chairman Christian Monsod, Alexander Padilla, Rene Ballesteros habang ang counsels nila ay sina Florin Hilbay, Chel Diokno at Barry Gutierrez.
Binigyang-diin ni Rosales na ang kanilang inihain ay isang paalala sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso na dapat ay ginagawa nito ang kanilang tungkulin bilang kapantay na sangay ng ehekutibo.
Sa loob lang aniya ng apat na araw ay umabot sa 331 na mga abogado ang lumagda sa kanilang naging petisyon na kanyang tinawag na ” gwardiya ng kalayaang sibil.
Dagdag pa ni Rosales, layon ng joint session na mabigyan ang publiko ng pagkakataon na malaman ang rason kung bakit nagdeklara ng Martial Law.
Ayon naman kay Hilbay, malinaw ang sinasabi ng Konstitusyon na tungkulin ng kongreso ang magsagawa ng joint session.
Sinabi naman ni Padilla na dapat gawin ng mga mambabatas ang kanilang constitutional duty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.