Mahigit P79M cash at tseke, nadiskubre sa safehouse ng Maute Group
Aabot sa P79 milyong halaga ng pera at mga tseke ang nadiskubre sa isang bahay sa Marawi City na pinaniniwalaang pinagtaguan ng Maute fighters.
Ang mga tauhan ng Philippine Marines ang nakakita sa bahay sa Barangay Mapandi, kung saan aabot sa P52.2 milyon na cash at tseke na nagkakahalaga ng P27 milyon ang nakuha.
Ang sinalakay na bahay ay pinaniniwalaan ng mga otoridad na safehouse ng Maute group.
Wala pa namang ibinigay na impormasyon ang Philippine Marines kung mayroon silang naabutang miyembro ng teroristang grupo sa lugar.
Noong isang araw, mayroon ding nakuhang mga bala sa pinaniniwalaang kuta ng Maute.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing sa illegal drug money ang pondo na ginagamit ng mga miyembro ng Maute.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.