Operasyon ng Resorts World, sinuspinde muna

By Kabie Aenlle June 06, 2017 - 04:49 AM

 

Pansamantala munang sinuspinde ng Travellers International Hotel Group Inc. ang hotel at gaming operations ng Resorts World Manila upang bigyang daan ang imbestigasyon sa nangyaring pag-atake doon noong Biyernes.

Sa pahayag na inilabas ng kumpanya, sinabi nilang kasalukuyan silang nakatuon sa pagtitiyak na maalalayan at matulungan ang mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa insidente.

Anila dahil dito, nagdesisyon silang kusang suspindehin muna ang operasyon ng mga apektadong pasilidad partikular na ang kanilang gaming areas.

Tatagal anila ito hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Matinding naapektuhan ang ikalawang palapag ng gaming area ng Resorts World Manila matapos silaban ng suspek na si Jessie Carlos.

Tanging ang Maxims Hotel lamang ang naapektuhan ng insidente, kaya naman ang mga kalapit na Remington at Marriott hotels ay mananatiling bukas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.