Duterte, nag-alok ng P10-milyong pabuya para sa ikadarakip ni Isnilon Hapilon

By Chona Yu, Mariel Cruz June 05, 2017 - 06:05 PM

Pinatungan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 10-milyong pisong pabuya sa ulo ang sinasabing “Emir” ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon, at tig 5-milyong piso sa dalawang Maute brothers na sina Abdullah and Omar.

Ito ang inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines kasabay ng patuloy na isinasagawang pagtugis kay Hapilon.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, nag-alok si Pangulong Duterte ng sampung milyong pisong reward money para sa ikadarakip kay Hapilon na pinaniniwalaang nangunguna sa teroristang Maute group na umatake sa Marawi City.

Si Hapilon ay mayroong outstanding na arrest warrant para sa kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention.

Kasabay nito, sinabi din ni Año na welcome sa AFP ang pahayag ni Duterte at umaasa sila na malaki ang maitutulong nito para mapagtagumpayan ang pag-aaresto kay Hapilon at sa Maute brothers.

Sakaling mahuli na aniya si Hapilon, posibleng maging daan na ito para tuluyan nang mabawi ng militar ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Una nang nagpatong ng 5-milyong dolyar na pabuya sa ulo ni Hapilon ang US Government, at sa kasalukuyan, mayroon din itong pabuya na P7.4 milyon mula naman sa gobyerno ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.