Mabilis na pagsagip sa mga batang miyembro ng Maute group itinulak sa Senado

By Ruel Perez June 05, 2017 - 05:16 PM

Inquirer file photo

Mariing binatikos ni Senador Sonny Angara ang paggamit ng Maute terror group sa mga bata sa nagaganap na sigalot sa Marawi City.

Ayon kay Angara, kailangang kumilos ang pamahalaan at magtulong-tulong ang iba’t-ibang ahensya upang mapigilan ang teroristang grupo na magamit ang mga bata sa kanilang iligal na operasyon

Paliwanag ni Angara, nakaka-alarma na pati ang mga batang walang kamalay-malay ay nadadamay sa gulo sa Marawi kung saan nire-recruit umano ang mga ito at hinihimok sa pakikilahok sa bakbakan sa pagsasabing yun ang daan tungo sa kaligtasan

Ang iba aniya ay pwersahang pinasasama ng mga bandido at kadalasang tinatarget nila ay ang mga naulila o anak ng mga bandido na napatay sa sagupaan.

Dahil dito, hinimok ni Angara ang mga sundalo at mga lokal na opisyal na magkaisa upang iligtas ang mga bata sa gulong nangyayari sa Marawi City kasabay nang paalala na ang Pilipinas ay signatory ng Convention on the Rights of Child na naglalayong protektahan ang mga bata laban  sa anumang giyera o pakikipag-bakbakan.

TAGS: Angara, Maute, Senate, Angara, Maute, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.