Bahrain, tinapos na ang diplomatic ties sa Qatar
Tinapos na ng Bahrain ang diplomatic ties nito sa Qatar.
Sa pahayag sa state news agency, pinutol na rin ng Bahrain ang lahat ng komunikasyon at pakikipag-alyansa nito sa Doha dahil sa panghihimasok umano nito sa kanilang internal affairs.
Binigyan lang din ng pamahalaan ng Bahrain ang lahat ng Qatari citizens na nasa kanilang bansa na umalis sa loob ng labingapat na araw.
Ayon sa pahayag, sumusuporta umano ang Doha sa terorismo at pinanghihimasukan nito ang internal affairs sa Manama, na kapital ng Bahrain.
Samantala sa ulat naman ng Reuters, inanunsyo rin ng Riyadh na kakalas na rin ito sa pakikipag-alyansa sa Doha at ititigil na ang lahat ng land, sea at air contacts sa Qatar.
Inaakusahan ng Riyadh ang Qatar na sumusuporta sa AL-Qaeda at Islamic State matapos nitong na kanselahin ang partisipasyon sa koint military operation sa Yemen.
Nauna nang bumitaw ng alyansa sa Qatar ang Saudia Arabia at Eygpt.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.