Mga opisyal ng gobyerno, hindi ‘exempted’ sa traffic violations ayon sa MMDA

By Rod Lagusad June 04, 2017 - 05:35 AM

Hindi exempted ang mga opsiyal ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas trapiko ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, hindi nila kukunsitihin ang kahit anumang violation kahit pa ito ay minor lang at isang opisyal ng gobyerno ang nakagawa nito.

Ayon kay Lim, kanilang poprotektahan ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan na ginagawa lang ang kanilang tungkulin.

Ang pahayag ni Lim ay kasunod ng pagpapatigil ng limang MMDA traffic constables sa isang government vehicle dahil sa overspeeding sa Macapagal Blvd. sa Parañaque City na nauwi sa pagtatalo.

Dadag pa ni Lim na hindi nila palalampasin ang naturang insidente.

TAGS: danilo lim, mmda, traffic constables, danilo lim, mmda, traffic constables

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.