Mga Muslim at Kristiyanong estudyante, nagtulungan sa pagtulong sa mga biktima ng Marawi siege
Nagtulungan ang mga Muslim at mga Kristiyanong mga estudyante sa pag-organisa ng isang releif effort para sa mga biktima ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng Maute group at pwersa ng pamahalaan sa Marawi City.
Sa kasalukuyan nasa 175 katao na ang namamatay kung saan 120 dito ay pawang mga terorista, 36 ay tropa ng gobyerno at nasa 19 ang mga sibilyan.
Pinangalan ng mga estudyante ang kanilang naturang relief effort ng “Tabang Sibilyan-Visayas na matatagpuan sa gusali ng Caritas na pagmamay-ari ng Archdiocese of Cebu.
Layon nilang ipakita na kahit magkakaiba ang paniniwala ay nakahanda pa rin ang mga ito na tumulong.
Nakipag-ugnayan na ang mga organizer nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para maipadala ang kanilang inipong mga relief goods sa Lanao Del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.