Publiko, hinikayat na maglaan ng panalangin sa mga biktima ng RSW attack at Marawi Siege

By Angellic Jordan June 03, 2017 - 04:29 PM

Inquirer file photo

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na isama sa mga panalangin ang mga biktima ng dalawang nangyaring insidente sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.

Ito ay kaugnay sa mga apektadong residente ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City at mga biktima sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila.

Nagsimulang magdaos ng misa ang Archdiocese ng Maynila kahapon at tatagal hanggang bukas, June 4.

Samantala, magsasagawa naman ng second collection ang Diocese ng Borongan upang makapag-abot ng tulong sa Marawi City.

Humirit si Borongan Bishop Crispin Varquez sa lahat ng simbahan na magsagawa nito bukas o sa susunod na Linggo, June 11.

TAGS: Diocese ng Borongan, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Marawi city siege, resorts world manila, Diocese ng Borongan, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Marawi city siege, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.