Malaysia, Pilipinas, Indonesia, magkakaroon ng joint patrols sa Mindanao
Magsasagawa ng joint patrols ang Malaysia kasama ang Pilipinas at Indonesia sa katubigang bahagi ng Mindanao ngayong buwan.
Sa isang security conference sa Singapore, sinabi ni Hishammuddin Hussein, defense minister ng Malaysia, layon nitong harangin at masigurong ligtas ang tatlong bansa sa banta ng terorismo mula sa Islamic State group.
Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na pakikipagbakbakan ng tropa ng pamahalaan sa Maute terror group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon sa defense minister, magsisimula ang pagpapatrolya sa June 19.
Maliban dito, magkakaroon din aniya ng magpapatrolya sa himpapawid sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.