Matapos ang 2 linggo mula nang mangyari ang pagsabog sa Manchester Arena, inihayag ng concert producer ni Ariana Grande na itutuloy mula ang world tour ng singer.
Sa pahayag ng MMI Live, sinabi nito na muling itutuloy ang Dangerous Woman Tour ni Grande simula sa June 7.
Magsisimula ito sa Paris, South America, Central America, Mexico, Australia, New Zealand at sa Asia.
Magkakaroon din ng benefit concert si Grande sa Manchester sa June 4 at ang kikitain nito ay mapupunta sa We Love Manchester Emergency Fund, ang organisasyon na namamahala sa pagtulong sa mga biktima ng pambobomba noong nakaraang buwan na ikinasawi ng 22 concert goers.
Kaugnay naman ng naka-schedule na concert ni Grande sa PIlipinas, sinabi ng pamunuan ng Southern Police District na nakipag-usap na sila sa venue owners at event organizers para masiguro ang seguridad sa araw ng concert.
Si Grande ay nakatakdang magperform sa Pilipinas sa August 21 sa Mall of Asia Arena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.