Patay na si Mountain Province Representative Maximo Dalog bandang alas dos, Sabado ng madaling-araw sa Manila hospital.
Batay sa ulat, nagsimulang maospital ang kongresista sa National Kidney and Transplant Institute nang magkaroon ng komplikasyon ang kaniyang transplanted kidney nito.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya-Dalog.
Nakilala si Dalog sa House Bill 6034 na nagbabawal ng pagpapabayad ng mga kumpanya ng bus sa mga pasahero na gagamit ng toilet at iba pang serbisyon sa terminal.
Tatlong magkakasunod na eleksyon nanalo si Dalog simula noong 2010.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.