Insidente sa Resorts World Manila, isa lamang ‘isolated incident’ ayon kay Sen. Sotto
Tiwala si Sen. Tito Sotto na isa lamang isolated incident ang nangyari sa Resorts World Manila kaninang hatinggabi.
Ayon kay Sen. Sotto, bagaman lumalabas na isang foreign national ang suspect na naghasik nang kaguluhan sa nabanggit na establisiyemento, kumbinsido ito na hindi ito istilo ng terror group na ISIS.
Malinaw umano na isang sugarol lamang na nasira ang pag-iisip at nagwala at walang koneksyon sa terorismo ang insidente na ikinamatay ng 36 na mga biktima at ikinasugat nang iba pa.
Patay din ang di pa pinangalanang suspek matapos umanong sunugin ang sarili matapos na sunugin ang mga casino table sa Resorts World at saka magpaputok ng kanyang bitbit na baril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.