Trump, sinopla ng palasyo ng Malakanyang kaugnay sa komento nito sa Resorts World

By Chona Yu June 02, 2017 - 07:55 PM

Sinupalpal ng Palasyo ng Malakanyang si US President Donald Trump kaugnay sa pakikialam nito sa nangyari sa Resorts World Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinasamantala ng ilang personalidad ang oportunidad sa Resorts World Manila para maisulong ang kani-kanilang sariling posisyon.

Una rito, sinabi ni Trump na mahigpit niyang binabantayan ang insidente sa Resorts World at nakalulungkot kung paano sinisira ng terorismo ang mundo.

Ayon kay Abella, malinaw na walang koneksyon sa terorismo ang insidente sa Resorts World Manila.

” People who are interested in propagating their own position will take advantage of any opportunity to do so. However as has been proven, this particular situation in Manila is not in any way directly linked to terrorist attack.” Abella

Dapat aniya na i-approach ang naturang insidente sa mahinahon na pamamaraan.

So, we have to approach this thing in a very sober manner, and well… regarding the tweets coming from abroad, I think we should listen to our own people first.” Abella

Sa halip aniya na makinig sa mga taong nasa abroad, hinimok ni Abella ang publiko na makinig muna sa mga awtoridad sa Pilipinas lalo na ang mga nagsasagawa ng imbestigasyon.

TAGS: donald trump, Malakanyang, resorts world manila, donald trump, Malakanyang, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.