Gaming shares, bumagsak kasunod ng pamamaril sa Resorts World
Bumagsak ang gaming shares ngayong Biyernes kasunod ng pagpasok at pamamaril ng isang lalaki sa Resorts Rorld Casino and Hotel na malapit sa Ninoy Aquino International Airport.
Batay sa tala ng Philippine Stocks Exchange (PSE), bumagsak ng 8.82 percent o P3.10 ang shares ng Travellers International Hotel Group na operator ng Resorts World.
Samantala, bumaba naman ng 3.27 percent P9.77 ang shares ng City of Dreams Operator Melco Resorts and Entertainment habang ang shares ng Solaire Operator Bloomberry Resorts ay bumaba ng 1.02 percent o P9.75.
Ayon sa mga analysts, nakahinga ng maluwag ang mga investors matapos sabihin ng mga otoridad na walang kinalaman sa terorismo ang insidente sa Resorts World.
Inaasahan ang pagbaba ng ibang gaming shares at posibleng epekto ng pangyayari sa casino hotel bookings pero nananatili naman umanong malakas ang gaming industry.
Tinatayang maglalaro sa pagitan ng P49.60 at P49.90 pesos ang kalakalan ngayong araw dahil sa pagpasok ng foreign fund sa equities market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.