1,013 private schools, may tuition fee increase

By Jay Dones June 02, 2017 - 06:24 AM

Umaabot sa kabuuang 1,013 mga pribadong paaralan sa elementarya at high school ang nabigyan ng pahintulot ng Department of Education na makapagtaas ng matrikula para sa taong ito.

Ayon sa DepEd, naaprubahan ang request ng mga paaralan para batay sa umiiral na guidelines ng Kagawaran.

Ang naturang bilang ay katumbas ng walong porsiyento ng kabuuang bilang ng mga pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa Metro Manila, nasa 182 paaralan sa high school at elementarya ang inaasahang magtataas ng matrikula, na sinundan ng Davao-154 school, Central Luzon-104 schools, at Bicol regional na may 101 na private elementary at high school na magpapatupad ng tuition fee increase.

Paliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones, karamihan sa mga paaralang humiling ng tuition increase ay pawang mga maliliit na eskwelahan at nangangailangan ng dagdag na pera upang ipambayad sa mga suweldo ng kanilang mga guro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.