Inako ng Islamic State Group of Iraq and Syria (ISIS) ang nangyaring pag-atake ng ilang armadong kalalakihan sa loob ng Resorts World Manila sa Pasay City.
Ito ay base sa ulat ng SiTE Intel Group.
Gayunman, hindi pa ito kinukumpirma ng Philippine National Police (PNP) dahil patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa, hindi pa nila makukumpirma kung tauhan nga ng teroristang grupo ang umatake.
Gayunman, tiniyak niyang mas paiigtingin ang seguridad sa buong Metro Manila dahil sa insidente.
Marami ang nasugatan dahil sa insidente, at pinaniniwalaang may nasawi din sa loob ng casino.
Sa ngayon ay patuloy ang operasyon ng iba’t ibang team ng PNP, at may mga dumating na rin na mga armored personnel carrier sa lugar.
Samantala, itinaas rin ang first alarm sa Resorts World dahil sa sunog sa isang bahagi ng ikalawang palapag nito.
Patuloy rin itong inaapula ng mga bumbero, kasabay ng pag-rescue sa mga naiwan sa loob ng gusali.
Specialized units of the PNP arrive on scene @dzIQ990 pic.twitter.com/9DBtwP775N
— jay dones (@jay_dones) June 1, 2017
APC’s arrive on premises of resorts world @dzIQ990 pic.twitter.com/T6obwJONZj
— jay dones (@jay_dones) June 1, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.