Puganteng U.S-Korean na pusher ng ecstacy muling nahuli ng NBI
Muling naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang U.S-Korean drug lords na si Jun No na tumakas habang binabantayan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa East Avenue Medical Center sa Quezon City noong Abril matapos na sumailalim sa operasyon.
Naaresto si Jun No ng mga operatiba ng NBI task force on anti-illegal drugs sa isang computer shop sa Tetuan, Zamboanga City kanilang alas-onse ng umaga kanina.
Nasa Zamboanga City Airport si Jun No para dalhin sa NBI Headquaters sa Maynila kung saan siya pansamantalang idedetine.
Si jun no ay magugunitang naaresto sa isang entrapment operation sa isang restauramt sa Mall of Asia Complex noong April 5 dahil sa pagbebenta ng 140 piraso ng ecstacy pilsl na may street value na P420,000.
Nakatakas siya habang naka-confine sa EAMC dahil sa operasyon sa kanyang appendix.
Sinamantala ang pagkakatulog ng kanyang mga bantay kaya naging madali ang kanyang naging pagtakas noong buwan ng Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.