Mga estudyanteng Muslim sa Maynila nagpaabot ng mga tulong sa Marawi City
Nagsama-sama ang mga estudyanteng Muslim mula sa iba’t ibang unibersidad sa Maynila para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi city.
Target ng relief operation na ito na maabot ng tulong ang evacuation centers na hindi masyadong napagtutuunan ng pansin gaya ng sa mga bayan ng Balo-i, Ramain at Saguiaran.
Mula noong Huwebes ay nakapagpadala na ang grupo ng tatlumpu’t isang kahon at labing-isang sako ng mga damit, pagkain at medical supplies.
Nakakalap na rin sila ng mahigit sa P100,000 cash donations.
Nagmula ang mga tulong sa iba’t ibang sector, mapa-muslim man o hindi at maging sa ibang bansa.
Patuloy na tumatanggap ng donasyon ang samahan gaya ng damit, pagkain, diapers, medical supplies at prayer garments.
Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang facebook page ng proyektong “Lend a hand for my homeland”.
Samantala, ipinahayag naman ng adviser ng organisasyon ang kalungkutan sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.