2 preso, nasawi sa diarrhea outbreak sa New Bilibid Prisons
Dalawang bilanggo ng New Bilibid Prisons ang nasawi ngayong araw dahil sa diarrhea outbreak, ayon sa Department of Justice.
Ang dalawang lalaking preso na may diabetes type 2 ay namatay dulot ng dehydration, at hypovolemic shock.
Nakapagtala na ng mahigit isang libo’t dalawang daang kaso ng diarrhea sa Bilibid ang kagawaran.
Ayon sa Department of Health, nakapagpamahagi na sila ng mahigit isang libong IV fluids at limampung libong aquatabs bilang lunas sa mga biktima ng diarrhea.
Patuloy naman ang pagbabantay imbestigasyon ng DOH sa sanhi ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.