‘Magandang panahon, nakikita sa unang araw ng pasukan’ – PAGASA
Posibleng walang pumasok na bagyo sa bansa hanggang sa June 5 o sa unang araw ng pasukan para sa mga pampublikong elementarya at high school.
Ayon sa PAGASA, bukod sa isolated rains at thunderstorms, malaki ang tsansa na magiging maganda ang panahon sa June 5.
Inaasahan na nasa isa o dalawang bagyo, na maaaring magpalakas sa southwest monsoon, ang posibleng pumasok sa bansa ngayong buwan ayon sa weather bureau.
Noong Martes, opisyal na idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season.
Tatagal aniya ang pag-iral ng southwest monsoon hanggang sa buwan ng Setyembre.
Sinabi din ng PAGASA na sakaling may pumasok na bagong bagyo sa bansa, papangalanan itong “Emong”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.