2 patay sa pamamaril sa isang eskwelahan sa Saudi Arabia

By Rod Lagusad June 01, 2017 - 04:15 AM

 

Dalawa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos mamaril ang isang dating empleyado sa loob ng administration building ng isang private school sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang mga biktima ay isang Saudi national at isang Palestinian national.

Ayon kay Talal al-Maiman, CEO ng Kingdom Holding at Chairman ng Kingdom Schools na siyang nag-o-operate sa naturang paaralan, ang naturang pamamaril ay kaso ng isang ‘disgruntled employee’ o galit na empleyado.

Aniya, matagal nang na-dismiss o natanggal sa eskwelahan ang Arab national na suspek dahil sa anger issues at unstable personality nito.

Maswerte namang wala pang estudyante sa loob ng paaralan nang maganap ang pamamaril.

Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Interior Ministry ng nasabing bansa na ang insidente ay isang “criminal case” at maglalabas ng statement ang Riyadh Police para sa karagdagang detalye.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.