3 persons of interest sa Quiapo blast, pinalaya ng MPD
Pinalaya na ng Manila Police District ang tatlong persons of interests na una na nilang inaresto kaugnay ng pagsabog sa Quiapo, Maynila, noong May 6.
Ayon kay MPD Director Chief Superintendent Joel Coronel, hindi nila itinuturing na suspek ang tatlong tao na inimbitahan nila kahapon mula sa Subic, Zambales.
Ipinahayag ito ni Coronel makaraang imbestigahan ng MPD ang mga ito.
Tiniyak naman ni Coronel na patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng pulisya para matunton ang suspek sa pagsabog sa Quiapo noong May 6 na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng anim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.