Napabayaan ang pagkalat ng droga sa bansa kaya’t nagkaroon ng pondo ang mga teroristang grupo sa Marawi City.
Ito ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang isiniwalat sa kanyang talumpati kasabay ng ika-119th anibersaryo ng Philippine Navy sa Sasa wharf sa Davao City.
Ayon sa pangulo, noon pa man hanggang ngayon, nakakakuha ng pondo ang mga teroristang grupo upang makapanghasik ng gulo sa lalawigan ng Mindanao.
Noon pa man aniya, kanya nang sinasabi na ang Marawi City ang nagsisilbing sentro ng produksyon ng shabu.
“As I have warned the country before, that Marawi was the bedrock of the manufacture of the illegal chemical called shabu. And there was a time when we declared a state of lawlessness and everything was being watched and raided in Central Mindanao. We lost at that time so many soldiers, but apparently most of the Filipinos took it nonchalant.”
“Hinayaan kasi natin ang droga. There was a time, until now that the terrorism activities in the Philippines is funded by drug money,” pahayag ng pangulo.
Tinukoy pa ni Pangulong Duterte ang naarestong opisyal ng Philippine National Police sa Bohol na si Supt. Maria Cristina Nobleza na siya umanong nagkamal ng malaking halaga ng pera mula sa drug money.
Si Nobleza ay ang nadakip na opisyal ng PNP Regional Crime Laboratory-Davao habang nagtatangka umanong itakas ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nagtangkang manggulo sa lalawigan ng Bohol noong Abril.
Sa beripikasyon, lumitaw na karelasyon nito ang isang miyembro ng bandidong grupo habang aktibong kasapi ng Pambansang Pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.