‘Martial Law, mahalaga at kailangan sa Mindanao’ – Lorenzana

By Mariel Cruz May 31, 2017 - 11:42 AM

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Ipinagtanggol ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao, kasunod ng kaguluhan sa Marawi City.

Ito’y matapos sabihin ng ilang minority senators na hindi naman kailangan magdeklara ng Martial Law sa Mindanao, dahil tiniyak na ng militar na kaya na nilang ma-neutralize sa susunod na linggo.

Ayon kay Lorenzana, mahalaga ang ipinatupad na Martial Law sa Mindanao kahit pa mayroon kakayahan ang puwersa ng gobyerno na mapulbos ang Maute terror group.

Layunin aniya ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao ang matuldukan na ang rebelyon sa iba’t ibang lalawigan sa timog na bahagi ng bansa, kabilang na ang Zamboanga, Davao, Bohol, Lanao, Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Maguindanao.

Ani Lorenzana, bagaman may kakayahan ang puwersa ng gobyerno na masugpo ang mga teroristang sumasalakay sa Marawi nang walang pinapairal na Martial Law, mas malaki ang maitutulong ng batas para mas mabilis na maibalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi.

Samantala, kinumpirma ng Palasyo na umabot na sa 104 ang death toll sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.