Communications director ni Trump, nag-resign na

By Kabie Aenlle May 31, 2017 - 04:19 AM

 

Kinumpirma ng isang opisyal sa White House na nagbitiw na sa pwesto ang kanilang communications director na si Mike Dubke.

Bagaman low-profile, malaki ang ginagampanang tungkulin ni Dubke bilang isang communications director dahil siya ang nagdidikta ng kung anong pahayag ang ilalabas nila sa media.

Matagal na ring naging usap-usapan ang balak ni US President Donald Trump na sibakin ang lahat sa kaniyang public relations staff.

Matatandaang sa nagdaang halos mag-iisang taong pamamahala ni Trump, maraming kontrobersya agad ang bumalot sa kaniya.

Ilang beses na ring nagalit si Trump dahil sa hindi magagandang headlines na lumalabas tungkol sa kaniya, kaya inaway na rin niya ang ilang reporters dahil sa aniya’y “fake news.”

Dahil sa pagbibitiw ni Dubke, tila nasa alanganin na rin ang hinaharap para kay press secretary Sean Spicer at sa kaniyang mga tauhan.

Wala namang naibigay na detalye tungkol sa petsa ng pag-alis ni Dubke, pero nasa dalawang linggo na umano itong pinaplano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.