Japan visit ni Pangulong Duterte sa June, hindi muna tuloy

By Jay Dones May 31, 2017 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na hindi na tuloy ang nakatakda sanang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan sa June 5 at 6.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ire-reschedule na lamang sa ibang panahon ang pagtungo ni Pangulong Duterte matapos magkasundo ang dalawang gobyerno na ipagpaliban muna ang pagbisita ni ng Pangulo sa naturang bansa.

Ito aniya ay upang matutukan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa Marawi City at Mindanao.

Kailangan aniya ng buong atensyon ng pangulo upang pangunahan ang pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mga residente ng Mindanao sa ngayon.

Sa oras aniyang maresolba na ang gulo sa Marawi ay agad na bubuuin na muli ang plano ng pagbabalik ng pangulo sa Japan.

Una rito, nakatakda sanang magtungong Japan si Pangulong Duterte upang magsilbi bilang speaker sa 23rd International Ceonference on the Future of Asia na gaganapin sa Tokyo, Japan sa June 5 at 6.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.