Banlaoi: Mas malaking plano, niluluto ng Maute sa Mindanao
May mas malaking plano sa Mindanao ang Maute group.
Ito ang ibinunyag ni Professor Rommel Banlaoi, Chairman of the Board at Executive Director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, ibinunyag ni Banlaoi na ang pag-atake sa Marawi City ay diversionary tactic lang ng nasabing grupo.
Tumanggi naman si Banlaoi na magbigay ng detalye pero ang nasabing plano aniya ay nasa intelligence report ng otoridad.
“Bahagi po to sana ng diversionary tactic at ‘yan po ay natiktikan ng ating military. Kaya lang po lumaki yung nangyari dyan sa Marawi city ay hindi na-anticipate ng ating law enforcement yung dami, lakas at determinasyon ng makakaharap nila doon lalo na yung presensya ng foreigh terrorist fighters. Nung makita ko po yung listahan ng mga foreign terrorist fighters kung saan po sila ay talagang nakakabahala po dahil ito po ay isang “multi-national operation,” pahayag ni Banlaoi.
Ipinaliwanag pa ni Banlaoi na hindi rin inaasahan ng pwersa ng pamahalaan ang lawak ng gulo sa Marawi City.
Kaugnay nito, ibinunyag pa ni Banlaoi na malayang nakapapasok sa bansa ang mga dayuhang miyembro ng ISIS gamit ang southern backdoor at maging ang pangunahing paliparan sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.