13 patay, higit 20 sugatan sa car bombing sa Iraq

By Len Montaño May 30, 2017 - 12:03 PM

Labingtatlo ang patay at dalawampu’t apat ang sugatan sa pagsabog ng isang kotse sa isang sikat na ice cream shop sa Baghdad, Iraq.

Inako ng Islamic State ang pag-atake na ayon sa mga otoridad ay isinagawa sa pamamagitan ng remote detonation sa isang nakaparadang sasakyan.

Naganap ang car bomb sa ikalawang araw ng Ramadan.

Makikita sa mga video sa social media ang ilang eksena matapos ang pagsabog kung saan ilang biktima ang nasa kalsada sa labas ng ice cream shop.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay isang truck bomb ang tinarget ang isang tindahan sa syudad kung saan namimili ang mga muslim ng kanilang mga damit na isusuot sa pagtatapos ng Ramadan.

Inako rin ng ISIS ang naturang pagsabog.

Ang pinakahuling terror attack ay sa gitna ng pagsalakay ng tropa ng gobyerno ng Iraq sa natitirang mga kuta ng ISIS sa Mosul.

Nasa ika-walong buwan na ang opensiba ng Iraqi troops sa mga terorista sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.