15 senador, naghain ng resolusyon na susuporta sa Martial Law declaration ni Duterte

By Ruel Perez May 30, 2017 - 10:47 AM

Kuha ni Ruel Perez

Labinlimang senador ang nagpahayag ng suporta sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao at ang suspensyon ng privilege of writ of habeas corpus.

Wala anilang matibay na dahilan para i-revoke o bawiin ang Martial Law declaration ng pangulo.

Inihain ng labinlimang senador, na karamihan at mula sa majority bloc, anf Senate Resolution No. 388 na nagbibigay suporta sa Batas Militar ni Duterte.

“The Senate finds the issuance of Proclamation No. 216 to be satisfactory, constitutional and in accordance with the law. The Senate hereby supports fully Proclamation No. 216 and finds no compelling reason to revoke the same,” bahagi ng resolusyon.

Pirmado ang dalawang pahinang resolusyon nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Vicente Sotto III, at Senators Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gringo Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar, at Miguel Zubiri.

Sina Senators Chiz Escudero at Grace Poe na mula sa majority bloc, ang mga hindi pumirma sa resolusyon.

Nauna nang naghain ng resolusyon ang minorya kahapon na nanawagan sa pamunuan ng Senado na magdaos ng joint session para pag-usapan ang Martial Law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.