Sulawesi, Indonesia, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

By Kabie Aenlle May 30, 2017 - 03:24 AM

Isang malakas, pero mababaw na lindol ang yumanig sa Palu city sa Sulawesi island, Indonesia kagabi.

Ayon kay Sutopo Nugroho ng disaster mitigation agency ng Indonesia, tumagal ng nasa 20 segundo ang lindol na may lakas na magnitude 6.6 at lalim na 9 kilometro.

Nagdulot aniya ito ng panic sa mga residente na nagsilabasan agad sa kanilang mga tahanan at gusaling kinaroroonan.

Nanatili sa labas ang karamihan sa mga tao dahil sa aftershock, gayunman hindi naman naglabas ng tsunami warning ang pamahalaan.

Ayon naman kay Darma Lebang ng search and rescue agency ng Indonesia, walang naitalang nasawi o nasugatan sa lindol ngunit ilang mga lumang gusali sa bayan ang napinsala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.