Susie Bugante ng SSS, pumanaw na

By Kabie Aenlle May 29, 2017 - 11:40 PM

Pumanaw na ang Vice President for Public Affairs ng Social Security System (SSS) na si Susie Bugante.

Wala pang inilalabas na detalye ang mga malalapit kay Bugante tungkol sa kaniyang pagpanaw, ngunit nilabanan niya ang sakit na cancer.

Sa impormasyong nakalap ng Radyo Inquirer, sumailalim pa sa chemotherapy si Bugante ngayong araw, dahilan kung bakit hindi siya nakapunta sa pulong balitaan ng ahensya.

Bilang opisyal ng SSS, si Bugante rin ay umuupo bilang anchor sa programang “Buti na lang may SSS” sa Radyo Inquirer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.