Mga opisyal ng Ilocos Norte provincial gov’t gustong ipakulong sa Kamara

By Erwin Aguilon May 29, 2017 - 04:25 PM

Photo: Erwin Aguilon

Tatlo pang opisyal ng Ilocos Norte ang na-cite for contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Sa pagdinig kanina ng komite, hindi masagot nina Engineer Pedro Agcaoili, Chairman ng Bids and Awards Committee at pinuno ng Provincial Planning and Development Office, Eden Battulayan, Accountant 4 ng Provincial Accounting Office ng Ilocos Norte; at Provincial Budget Officer na si Evangeline Tabulog ang mga tanong ng mga kongresista.

Ang laging isinasagot ng tatlo na hindi nila matandaan ang mga transaksyon ng pamahalaang panlalawigan kaugnay sa pagbili ng 40 mini cabs, 70 mini trucks at 5 second- hand buses.

Dahil dito, hiniling ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa komite na ma-cite for contempt ang tatlo dahil malinaw daw na umiiwas sila sa mga tanong.

Hindi anya maaring makalimutan kaagad ng tatlo ang transaksyon dahil 2011 lamang ito nangyari.

Nagsagawa ng pagdinig ang komite dahil sa paggamit ng pamahalaang panlalawigan ng P66.4 Million na pondo galing sa tobaco excise tax.

Inaprubahan din ng komite ang kahilingan upang ipatawag si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos dahil sa pangatlong ulit na hindi nito pagsipot sa patawag ng komite.

TAGS: farinas, ilocos norte, Marcos, tobacco excise tax, farinas, ilocos norte, Marcos, tobacco excise tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.