4 na miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa Basilan

By Mariel Cruz May 29, 2017 - 12:03 PM

Sumuko ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Ungkaya Pukan, Basilan, hapon ng Linggo.

Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, ang nasabing mga bandido ay sumuko sa 18th Infantry Battalion sa Sitio Camalig, Barangay Bohe Pahu, bandang alas dos ng hapon.

Kinilala ang mga sumukong ASG members na sina Usman Mussa, Balie Kasaran, Sadar Tutuh Kasaran, at Sarwin Askalin Kasaran, residents of Al Barka, Basilan.

Kasabay ng pagsuko, nakuha sa mga bandido ang dalawang M16 rifles at isang .30 M1 Garand rifle.

Sinabi ni Petinglay na batay sa mga bandido, nagdesisyon sila sumuko matapos mapatay sina Abu Sayyaf sub-leaders Muammar Askali at Alhabsy Misaya.

Si Askali ay napatay sa Bohol habang si Misaya naman ay sa Sulu.

Nakatakdang i-turn over ang apat na bandido sa Philippine National Police.

Una nang sumuko noong nakaraang Martes ang tatlong ASG members sa militar sa Tawi-Tawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.