2,000 residente, hindi pa rin malakabas ng Marawi

By Jay Dones, Kabie Aenlle May 29, 2017 - 04:31 AM

 

Nasa 2,000 pang mga residente nananatiling naiipit sa loob ng Marawi city sa gitna ng opensiba ng militar upang malipol na ang Maute at Abu Sayyaf na patuloy na nagtaago sa loob ng lungsod.

Bagamat, nagsilikas na ang nasa 200,000 residente ng Marawi City nitong mga nakalipas na araw, may ilan pang naiipit sa mismong lugar na hawak ngayon ng armadong grupo.

Ayon kay Zia Alonto Adiong, tapagsalita ng provincial crisis mangament committee ng Lanao Del Sur, marami sa mga residente ang humihiling na ma-rescue sa pamamagitan ng text at tawag ngunit sadyang hindi pa mapasok ng panig ng gobyerno ang kanilang mga kinalulugaran.

May ilan rin aniya ang halos maubusan na ng makakain dahil sa ilang araw na pagkabigo na makalabas sa kanilang mga tahanan sa pangambang madamay sa bakbakan.

Kahapon, nagpatuloy ang air strike sa mga lugar na pinagkukutaan ng mga teroristang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.