5th round ng peace talks ng gobyerno at NDFP, natuloy din

By Kabie Aenlle May 29, 2017 - 04:25 AM

 

Karlos Manlupig/Inquirer

Matapos ang pangamba ng tuluyang pagkabalam ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), natuloy pa rin ang ika-limang round ng peace talks sa Noordjwik, The Netherlands.

Nakatakda sanang magsimula muli ang negosasyon noong Sabado, pero naantala ito dahil sa pagtanggi ng pamahalaan na makisali sa ika-limang round.

Paliwanag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ang desisyon nito ay dahil sa aniya’y pagmamatigas ng kilusan ng mga komunista sa martial law sa Mindanao.

Matatandaang naglabas ng utos ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa New People’s Army (NPA) na paigtingin ang mga pag-atake sa Mindanao bilang pagkondena sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte doon.

Ipinaliwanag naman ni NDFP senior adviser Luis Jalandoni na ang direktibang ito ng CPP ay hindi naglalayong mabulilyaso ang peace talks, kundi bilang tugon sa pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kaugnay ng pagiging target ng NPA sa martial law.

Iginiit naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III na hindi target ng martial law ang NPA, at na nais ng pamahalaan na paresolbahan na ang alitan sa pagitan ng magkabilang panig.

Nilinaw naman ng gobyerno na ang nais lang nilang kanselahin noong Sabado ay ang ika-limang round lamang ng usapan, at hindi ang kabuuan ng peace talks.

Sa kabila ng nangyaring tensyon noong Sabado, nauwi rin ito sa biruan at tawanan sa pagitan ng magkabilang panig at nagpatuloy na rin sila sa negosasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.