US Embassy, naglabas ng paalala tungkol sa mga checkpoints sa Metro Manila

By Kabie Aenlle May 29, 2017 - 04:30 AM

 

Sa naturang security message, pinaalalahanan ng embahada ang mga Amerikano tungkol sa mga posibleng checkpoints na kanilang madaraanan sa Metro Manila.

Paliwanag nila, isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan kaugnay ng deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao.

Nilinaw naman nila na wala itong kaugnayan sa anumang partikular na banta ng terorismo sa Metro Manila.

Nakasaad rin dito na isang unit na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinadala sa Quezon City upang tulungan ang PNP sa mga security operations.

Tutulong ang mga ito sa pagsasagawa ng random checkpoints, pagpapatrulya at pati na rin sa pagpapaigting ng police visibility operations.

Hindi pa naman kinukumpirma ng AFP ang nasabing deployment.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.