Hindi bababa sa labing walong katao, karamihan ay sibilyan, ang nasawi sa naganap na pagsabog sa Afghanistan, gabi ng Sabado.
Nabatid na tinarget ng pagpapasabog ang isang convoy ng security forces sa Kabul.
Ayon kay Najib Danish, ministry deputy spokesman, ang pinaka target ng suicide bomber ay security ng US forces sa Khost province, pero karamihan sa mga naging biktima ay mga sibilyan.
Inako na ng Taliban ang responsibilidad sa pag-atake sa pamamagitan ng pahayag ng kanilang tagapagsalita na si Zabihullah Mujahid.
Sunud-sunod ang ginagawang mga pag-atake ng Taliban laban sa Afghan security forces matapos ianunsiyo ang mas pinaigting na opensiba laban sa teroristang grupo noong nakaraang buwan.
Bukod sa mga nasawi, anim na sibilyan kabilang na ang dalawang bata, ang nasugatan sa pagsabog.
Naganap ang pag-atake malapit sa isang bus station at football stadium kung saan maraming sasakyan at tindahan ang napinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.