Canada, nagpalabas ng travel advisory para sa Mindanao

By Mariel Cruz May 28, 2017 - 09:26 AM

Courtesy:  travel.gc.ca
Courtesy: travel.gc.ca

Kasunod ng pagdedeklara ng Martial Law, nagpalabas ang gobyerno ng Canada ng travel advisory warning para sa kanilang mga kababayan na huwag munang magpunta sa Mindanao.

Inabisuhan ng Global Affairs Canada ang kanilang mga kababayan na iwasan ang pagtungo sa Mindanao region, maliban na lang sa Davao City, dahil sa seryosong banta ng terror attack at kidnapping.

Nakasaad din sa advisory na limitado ang pagbibigay ng consular assistance ng Canada sa rehiyon.

Bukod dito, nagpaalala din ang GAC sa kanilang citizens na wag nang magpunta sa Davao City kung hindi naman importante dahil sa implementasyon ng Martial Law sa Mindanao region.

Iginiit din sa travel advisory ang pag-iwas sa pagbiyahe sa Sulu archipelago at sa southern Sulu Sea, kabilang na ang Palawan, dahil naman sa banta ng pirata at kidnapping.

Nagpaala din ang Canada sa kanilang mga kababayan na bumibisita at naninirahan sa Mindanao na maging alerto at iwasan ang matataong lugar.

Una nang nagpalabas ng travel advisory ang United States at United Kingdom dahil sa bakbakan sa Marawi City at deklarasyon ng Martial Law.

TAGS: Davao City, Global Affairs Canada, Mindanao region, Davao City, Global Affairs Canada, Mindanao region

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.