CHR, iginiit na ilegal ang warrantless arrest sa martial law

By Angellic Jordan May 28, 2017 - 08:46 AM

martial law marawiIginiit ng Commission on Human Rights na ilegal ang ibinabang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng idineklarang martial law sa Mindanao.

Ayon sa Punong Ehekutibo, maaaring mag-aresto ang mga awtoridad nang walang arrest warrant at maghalughog ng mga bahay sa ilalabas na Arrest Search and Seizure Order (ASSO) na pirmado ni Armed Forces chief General Eduardo Año.

Sa pahayag ng CHR, ipinagbabawal ang naging kautusan ng pangulo sa 1987 Constitution.

Mayroon anilang legislatura at sinusunod na protocol kaugnay nito upang masigurong hindi na mauulit ang umano’y pang-aabuso noong martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dagdag pa nito, nakapaloob sa ilalim ng Section 5, Rule 113 ng Rules of Court na hindi maaaring humuli o dumakip nang walang arrest warrant kahit nasa ilalim ng batas militar ang isang bansa.

Maaari lang anilang gawin ito kung nasaksihan mismo ng awtoridad ang krimen at kung isang takas na bilanggo batay sa Rules on Criminal Procedure.

Samantala, pinaalalahanan ng komisyon ang mga pulis at militar na gawing prayoridad ang kaligtasan at karapatan ng mga sibilyan.

TAGS: ASSO, CHR, Martial Law, Pang. Duterte, warrantless arrest, ASSO, CHR, Martial Law, Pang. Duterte, warrantless arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.