Maute, planong maglagay ng bandila ng ISIS sa kapitolyo ng Lanao Del Sur sa Marawi City

By Rod Lagusad May 28, 2017 - 01:16 AM

Marawi7Pangunahing layunin ng Maute group ang makapaglagay ng bandila ng ISIS sa kapitolyo ng Lanao Del Sur sa Marawi City ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Commanding General of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (Wesmincom).

Aniya ang paglalagay ng bandila ng ISIS na lang ang kulang para makapagdeklara ng “wilayat” o provincial territory ng ISIS.

Dagdag pa ni Galvez, ito ay para magkaroon sila ng suporta mula sa Syria.

Patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations sa lungsod ng Marawi.

Dahil sa naturang pag-atake, ito ang nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang buong Minadano sa ilalim ng batas militar.

TAGS: AFP, Carlito Galvez, ISIS, Lanao Del Sur, marawi, Martial Law, Maute, Rodrigo Duterte, AFP, Carlito Galvez, ISIS, Lanao Del Sur, marawi, Martial Law, Maute, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.