Walang signal shutdown sa Mindanao ayon sa Globe at Smart
Walang utos mula sa pamahalaan na magkaroon ng signal shutdown kasabay ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao ayon sa Smart Communications Inc. at Globe Telecomm Inc.
Ayon kay PLDT-Smart spokesperson Ramon Isberto, walang abiso ang gobyerno na magkaroon ng signal shutdown sa buong Mindanao.
Sinabi rin ni Globe Vice President for Corporate Communications Yoly Crisanto na walang utos ang pamahalaan sa kanila na i-shutdown ang cellphone signal sa nasabing lugar.
Matatandaang nagdeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang operasyon ng militar para lansagin ang pwersa ng naturang teroristang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.