Aiza Seguerra, nakiusap kay Duterte na itigil na ang “rape jokes”
Nakiusap si National Youth Commission Chair Aiza Seguerra kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na nito ang mga “rape jokes” nito.
Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi ni Sueguerra ang saloobin nito kaugnay sa naging pahayag ng pangulo.
Kaugnay ito ng naging talumpati ni Duterte sa 2nd Mechanized Infantry (Magbalantay) Brigade of the Philippine Army sa Iligan City kung saan kayang siniguro na kanyang pananagutan ang mga consequences na pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Agad na binatikos ito ng women rights group na Gabriela at maging nina Sen. Risa Hontiveros at Francis Pangilinan.
Matatandaang noong panahon ng kampanya ay binatikos din kasunod ng naging pahayag nito ukol sa pagpapatay at panggagahasa sa Australian missionary na si Jacqueline Hamill kasunod ng hostage-taking noong 1989 sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.