Dating Regional Director ng National Commsion in Muslim Filipinos, pinakakasuhan ng Ombudsman

By Alvin Barcelona May 28, 2017 - 12:54 AM

Ombudsman11Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dating Regional Director ng National Commission on Muslim Filipinos na si Cabinbanan Mamukid.

Dahil ito sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act No. 3019, Section 8 ng Republic Act No. 6713, at Article 183 (Perjury) ng Revised Penal Code (RPC).

Natuklasan ng Office of the Ombudsman na ilang ulit na nagsinungaling si Mamukid sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para taong 2010.

Lumabas sa imbestigasyong ng anti graft body na nabigo ang respondent na ideklara sa kanyang SALN ang pag -aari nitong 2008 Honda Civic, dalawang lote sa Central Park Subdivision sa Bangkal, Davao City at bukirin sa Banaybanay, Davao Oriental.

Sa depensa ni Mamukid sinabi nito na kotse at mga lupain na tinutukoy ng Ombudsman ay pag-aari ng kanyang misis.

Pero giit ng Ombudsman, kahit na pag aari ang mga nasabing ari arian ng kanyang misis kailangan pa rin itong ideklara ni Mamukid sa kanyang SALN ayon sa batas.

Sa ilalim ng Section 7 ng Republic Act No. 3019, lahat ng mga serbisyo publiko ay obligadong mag file ng totoo at detalyadong SALN habang nakalagay naman sa Section 8 ng Republic Act No. 6713 na dapat ideklara ng mga kawani ng gobyerno hindi lamang ang kanilang assets, liabilities, net worth at mga financial at business interest kundi pati ng kanilang mga maybahay.

Perjury naman ang tawag kung sinadya nitong hindi isama sa pinanumpaang nitong dokumento ang mga mahahalagang impormasyon.

TAGS: Cabinbanan Mamukid, Conchita Carpio-Morales, National Commission on Muslim Filipinos, ombudsman, SALN, Cabinbanan Mamukid, Conchita Carpio-Morales, National Commission on Muslim Filipinos, ombudsman, SALN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.