Tiwala ng mga Pinoy sa U.N at E.U bumaba ayon sa survey
Bumaba ang tiwala ng mga Pinoy sa United Nations (UN) at European Union (EU), batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Bagaman “very good” sa +45 ang net trust rating ng mga Pilipino sa UN, mas mababa ito nang tatlong puntos sa +48 noong December 2016.
Batay sa naturang survey, 58% ang mayroong “much trust” sa UN, umaabot sa 13% ang may kaunting tiwala sa UN habang undecided ang 27%.
Samantala, naitala sa +19 net trust rating naman ang nakuha ng EU katumbas ang “moderate” rating.
Bumagsak ito nang pitong puntos kumpara sa _26 noong December 2016.
Nasa 40% ang may “much trust” sa EU, 21% ang may kaunting tiwala, habang 36% ang undecided.
Isinagawa ng SWS ang survey sa 1,200 adults repondents mula March 25 hanggang 28 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Matatndaang noong Abril, ipinahayag ng UN Human Rights Council na nababahala ito sa umano’y crimes against humanity na iniuugnay sa gyera ng Administrasyong Duterte kontra droga.
Ngayong buwan, ipinahayag naman ng Pilipinas na hindi nito tatanggapin ang ayudang ibibigay ng EU dahil sa pangambang manghimasok ito sa mga usapin sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.