Coast Guard support team dumating nasa Mindanao

By Rohanissa Abbas May 27, 2017 - 04:07 PM

BRP_Malabrigo_pre-deliveryDumating na sa Iligan City ang barko ng Philippine Coast Guard na may dalang 10,000 relief packs para sa mga evacuees o “bakwit” mula sa Marawi City.

Limang kilong bigas, walong canned goods, isang pack ng kape, hygiene kits at banig ang laman ng bawat relief packs.

Magsisilbi ring ospital para sa mga residente ang BRP Batangas.

Ang BRP Batangas ay umalis sa Manila noong Huwebes dala ang relief packs mula sa Department of Social Welfare and Development.

Nauna nang dumating ang BRP Malabrigo sakay ang PCG officers para sa seguridad sa lugar.

Lumikas ang mga residente ng Marawi City dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute terror group.

TAGS: brp batangas, coast guard, dswd, Ilagan City, marawi, relief, brp batangas, coast guard, dswd, Ilagan City, marawi, relief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.