Kamara papasok na rin sa imbestigasyon sa Marawi siege
Magsusumite ng resolusyon sa Kamara si Quezon City Rep. Winnie Castello para sa imbestigasyon sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City na nagresulta sa deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao.
Ipinaliwanag ng mambabatas na dapat alamin ang katotohanan kaugnay sa pagkakaroon ng mga international terrorists sa hanay ng Maute group at ng Abu Sayyaf Group.
Nauna nang sinabi ng militar na kasama sa kanilang napatay ang ilang mga pinaniniwalaang terorista na mula sa Malaysia, Sinagpore at Indonesia.
Maliban pa ito sa mga kumalat na larawan sa social media ng mga sinasabing foreign terrorists.
Gusto ring alamin ng kongresista kung may pagkukulang ba ang intelligence units ng militar at pulisya na siyang dahilan kung bakit nakapasok sa Marawi City ang mga terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.