Duterte, bukas na makipagdayalogo sa Maute

By Rod Lagusad May 26, 2017 - 07:06 PM

duterte russiaBukas si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng dayalogo kaugnay ng karahasan sa Marawi pero kung ito ay tatanggi at lalaban ay walang magagawa ang pamahalaan.

Ayon sa pangulo, ang lahat ng mga taong hindi otorisado ng pamahalaan na magdala ng baril na manlalaban ay dapat patayin.

Aniya ang mga lider ng Maute ay pawang mga dating mga pulis na siyang nasa likod ng isa sa pinakamalaking shabu factory sa bansa.

Kaugnay nito, pinahayag ng pangulo na nasa bansa na ang ISIS.

Sinabi rin ng pangulo sa mga sundalo na gagamitin lahat ng mga armas, mga equipment at air assests para maprotektahan ang mga ito.

Buo ang suporta nito sa pwersa ng militar at kung pwede aniya siyang sumali dito ay makikisali siya.

Dagdag pa ni Duterte na kanyang ipagpapadasal ang tropa ng gobyerno.

Ayon sa pangulo walang rason na matalo ang pwersa ng pamahalaan dahil kaya itong mapagumpayan.

Nakiusap rin ito sa militar na lumaban para sa bansa.

TAGS: marawi, Maute, Rodrigo Duterte, marawi, Maute, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.