Lindol sa Zambales, hindi magiging sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault – Phivolcs
Hindi magiging sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault ang yumanig na magnitude 5.4 na lindol sa San Marcelino, Zambales, gabi ng Huwebes.
Ito ang tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kasabay ng paliwanag na ang pinagmulan ng lindol ay ang Manila Trench.
Ayon kay Pom Simborio, science research assistant ng Phivolcs, ito aniya ang trench na nakaharap sa West Philippine Sea.
Batay sa isang pag-aarl, ang West Valley Fault na nasa ilalim ng mga lungsod ng Marikina, Pasig, at Muntinlupa, ay may kakayahan na lumikha ng magnitude 7.2 na lindol na posibleng ikasawi ng aabot sa 34,000 na tao at higit 100,000 na sugatan.
Dakong 10:27 ng gabi ng Huwebes, tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa San Marcelino, sa Zambales.
Sinabi ni Simborio na offshore ito, na may lalim na 83 kilometers.
Naramdaman ang lindol sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang na ang Quezon City, Pateros, Pasay City, Makati City, Mandaluyong, Manila, Parañaque City, Taguig City, Caloocan City at Valenzuela City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.